Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan August 22, 2022 - 05:08 PM
Radyo Inquirer On-Line photo

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Agosto 16.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, PetroGazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil, Shell, at Unioil, may dagdag na P0.70 sa kada litro ng gasolina habang P2.60 naman ang patong sa bawat litro ng diesel.

May dagdag namang P2.80 ang kada litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauuna pa ring ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Agosto 23).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 4:01 ng hapon sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, kerosene, oil, RadyoInquirerNews, BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, kerosene, oil, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]