Pilipinas, nakapagtala ng halos 24,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo
Nakapagtala ng 23,883 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang May 15, 2022, base ito sa naitalang datos simula Agosto 15 hanggang 21, 2022.
Mas mababa ito ng 15 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Agosto 8 hanggang 14.
Nasa 3,412 naman ang daily average cases.
Samantala, may 101 na bagong severe and critical cases habang 321 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 30.2 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 6,677 sa 22,076 non-ICU beds ang gamit.
27 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 699 sa 2,586 ICU beds ang gamit.
Nasa 811 naman ang severe and critical admissions, o 9.7 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.