Manila LGU, tiniyak na handa para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga estudyante

By Angellic Jordan August 22, 2022 - 12:26 PM

Manila LGU photo

Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na handa ang lokal na pamahalaan upang maiwasang kumalat ang COVID-19 sa mga estudyante.

Binisita ng alkalde ang ilang pampublikong paaralan sa naturang lungsod kasabay ng pagsisimula ng face-to-face classes.

“May isolation rooms po tayo, mga medical frontliners, and magpapalagay tayo ng vaccination team just in case po na mayroong gustong magpabakuna habang nandito po sila, tutal nandito na lahat ng mga bata, puwedeng magpabakuna,” pahayag ni Lacuna-Pangan.

Bawat silid-aralan ay mayroong 35 estudyante upang masigurong magkakaroon ng physical distancing sa kasagsagan ng face-to-face schedule sa paaralan.

Mayroon namang ibang paaralan na magpapatupad ng isang araw na online classes at apat na araw na physical attendance sa klase.

May mga nakatalaga ring safety officers para mag-inspeksyon sa mga silid-aralan bago, sa gitna, at pagkatapos ng klase para matiyak na masusunod ang minimum health protocols.

Muling inihayag ng alkalde na dapat may sariling dalang pagkain ang mga estudyante bago pumasok sa paaralan para maiwasan ang pag-iikot sa paaralan.

Maliban sa malinis na silid-aralan at washing areas, binigyan din ang mga mag-aaral ng school supplies at hygiene kits.

TAGS: Back to school, Honey Lacuna-Pangan, InquirerNews, manila, Manila LGU, RadyoInquirerNews, Back to school, Honey Lacuna-Pangan, InquirerNews, manila, Manila LGU, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.