Bilang ng nakapag-enroll para sa S.Y. 2022-2023, umabot sa mahigit 28 milyon

By Angellic Jordan August 22, 2022 - 11:19 AM

Sumampa sa mahigit 28 milyon ang bilang ng mga estudyanteng nakapag-enroll para sa School Year 2022-2023.

Base sa huling datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Lunes ng umaga (Agosto 22), kasabay ng unang araw ng face-to-face classes, nasa 28,035,042 ang kabuuang bilang ng mga estudyante na nag-enroll.

Katumbas ng 101.72 porsyento o higit pa sa naitalang datos mula sa enrollment noong School Year 2021-2022.

Pinakamaraming estudyante na nakapagtala sa Region 4-A na umabot sa 3,826,697 at sinusundan ng Region III (2,903,610), at National Capital Region (2,717,755).

Mula rin sa nasabing datos, 23,905,615 ang mula sa enrollment quick counts habang 4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral mula sa early registration.

TAGS: deped, enrollment, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SY2022-2023, deped, enrollment, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SY2022-2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.