Nagbukas ng tig-isang gate ang Binga at Magat dams, Lunes ng umaga (Agosto 22).
Inaasahan kasi ang mararanasang pag-ulan bunsod ng Tropical Depression Florita.
Sa abiso ng PAGASA, nagbukas ang Binga Dam ng isang gate at aabot sa 0.30 meters ang inilabas na tubig.
Sa ngayon, nasa 574.43 meters ang reservoir water level ng naturang dam. Malapit na ito sa normal high water level na 575 meters.
Nagbukas din ng isang gate sa Magat dam para magpakawala ng 0.30 meters ng tubig. Nasa 187.10 ang reservoir water level nito na malapit sa normal high water level na 190.
Samantala, bumaba naman ang lebel ng tubig sa ibang dam sa bansa, kabilang ang Angat dam (176.15 meters), Ipo dam (100.33 meters), at Ambuklao dam (749.48 meters).
Nadagdagan naman ang antas ng tubig sa San Roque dam (238.50 meters), Pantabangan dam (186.69 meters), at Caliraya dam (287.39 meters).
Nanatili naman sa 79.19 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.