P5.3 milyong halaga ng sumggled na sigarilyo, sinira sa Palawan
Winasak ng Bureau of Customs Sub-port ng Puerto Princesa ang 207 kahon at 3,507 reams ng smuggled na sigarilyo sa Palawan.
Nagkakahalaga ang mga smuggled na sigarilyo ng P5.3 milyon.
Pinangunahan ni Puerto Princesa Port Collector Gladys Fontanilla-Estrada ang naturang operasyon mula Agosto 16 hanggang 18, kasama ang Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard Palawan, at National Bureau of Investigation Puerto Princesa District Office.
Sinira at binabad sa tubig ang mga ilegal na produkto sa Palawan Flora and Fauna Watershed Reserve sa Irawan, Puerto Princesa City alinsunod sa Section 1146 at 1148 ng Customs Modernization and Tariff Act.
Tiniyak ng ahensya na mas paiigtingin pa ang border security upang maharang ang pagpasok ng mga ilegal na produkto sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.