48,000 estudyante, nabigyan ng DSWD sa unang araw ng pamamahagi ng education assistance
Umabot sa 48,000 estudyante ang nabigyan sa unang araw ng pamamahagi ng education assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Base ito sa huling report sa kaniya bandang 3:00, Linggo ng madaling-araw (Agosto 21).
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, kasama sa nasabing bilang ang online at walk-in applicants.
Sinabi ng kalihim na nasa P141 milyon ang naipamahagi sa mga estudyante sa buong bansa sa nasabing petsa.
Sa susunod na Sabado, Agosto 27, tiniyak ni Tulfo na magiging katuwang na ng kagawaran sa pamamahagi ng ayuda ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan.
“Magtutungo na po ang DSWD sa inyo at ang payout ay gagawin na namin sa mga lungsod at bayan po ninyo,” saad ng kalihim.
Dagdag ni Tulfo, “Babawi po kami next Saturday.”
Muli namang humingi ng paumanhin si Tulfo sa nangyaring kaguluhan nang dumugin ang mga tanggapan ng DSWD para sa nasabing ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.