(Courtesy: Bombo Radyo CDO/Inquirer)
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development sa Department of the Interior and Local Government para sa pamamahagi ng ayuda sa mga indigent students.
Sa press conference sa Malakanyang, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ito ay para maging maayos ang pamamahagi ng ayuda.
Una rito, dinumog ang mga tanggapan ng DSWD dahil saa unang araw ng pamamahagi ng ayuda.
Ayon kay Tulfo, isang memorandum of agreement ang lalagdaan ng DSWD at DILG para matulunga ang kanilang hanay ng local government units.
Kasabay nito, inamin ni Tulfo na agad siyang tinawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para personal na alamin ang sitwasyon.
Ayon kay Tlfo, pasado 10:00 kaninang umaga nang tumawag ang Pangulo.
Naintindihan naman aniya ng Pangulo ang kanyang paliwanag.
Kaya aniya dumagsa ang mga kumukuha ng ayuda dahil isinama niya ang mga anak ng jeppney driver, cigarette vendor, tricycle driver at iba pang ordinaryong manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya sa COVID-19.
Nagkaroon din kasi aniya ng miskomunikasyon.