QC govt sumaklolo sa crowd control sa tanggapan ng DSWD
Agad na inayudahan ng Quezon City Government ang Department of Social Welfare and Development matapos dagsain ng mga estudyante na kumukuha ng pinansyal na ayuda.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay para ma-kontrol ang crowd at ang daloy ng trapiko sa bisinidad ng tanggapan ng DSWD sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, nagpakalat na ang lokal na pamahalaan ng mga tauhan mula sa Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina at Task Force on Transport and Traffic Management.
Una rito, rumesponde na rin ang mga tauhan mula sa Quezon City Police Office District at National Capital Region Police Office para maalalayan ang DSWD.
Sinabi pa ni Belmonte na nakahanda ang lokal na pamahalaan para tulungan ang DSWD sa pamamahagi ng financial assistance para sa susunod na batch ng mga benepisyaryo.
Para sa mga indigent student na nasa elementary, makatatanggap sila ng P1,000 ayuda.
Nasa P2,000 naman ang ayudang matatanggap ng mga high school students habang nasa P3,000 ang mga nasa senior high school.
Nasa P4,000 ang matatanggap na ayuda ng mga estudyante na nasa kolehiyo.
Kailangan lamang ng mga estudyante na mag-presenta ng certificate of enrollment o registration at valid ID.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.