Mga bagong opisyal ng SRA, itinalaga ni Pangulong Marcos

By Chona Yu August 20, 2022 - 12:51 PM

Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatupad ng reorganisasayon sa Sugar regulatory Administration.

Ito ay matapos ang kontrobersiyal na planong pag-aangkat ng pamahalaan ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal.

Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez, itinalaga ng Pangulo bilang acting administrator ng SRA si David john Thaddeus Alba.

Papalitan ni Alba si dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica na una nang nagbitiw sa puwesto matapos lagdaan ang Sugar Order Number 4 na mag-aangkat ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal nang walang awtorisasyon mula sa Pangulo.

Itinalaga rin ng Pangulo sina Pablo Luis Azcona bilang Sugar Regulatory Board member na kakatawan ng sugar planters at Maria Mitzi Mangwag na magsisilbi namang kinatawan ng sugar millers.

Papalitan ni Magwag si Attorney Roland Beltran na una na ring nagbitiw sa puwesto dahil sa naturang kontrobersiya.

Ang SRA ay isang government-owned and controlled corporation na isang attached agencies ng Department of Agriculture na pinamumunuan ni Pangulong Marcos.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, SRA, sugar, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, SRA, sugar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.