Sen. Nancy Binay hiniling sa DepEd ang detalyadong orientations sa mga magulang, estudyante

By Jan Escosio August 19, 2022 - 05:40 PM

Hinimok ni Senator Nancy Binay ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng detalyadong orientation at dialogue sessions sa mga magulang at mag-aaral.

Partikular niyang binanggit ang Department of Order No. 34 na may kaugnayan sa school calendar at activities para sa School Year 2022-2023.

Sa organizational meeting ng Senate Committee on Basic Education, sa pamumuno ni Sen. Sherwin Gatchalian, inusisa ni Binay ang DepEd ukol sa protocols sakaling may mga mag-aaral na mahawa ng COVID 19.

Partikular niyang nabanggit kung babalik sa online classes at kung naliwanagan ng husto ang mga magulang sa pagbabalik ng in-person classes.

Ayon kay Education Usec. Epimaco Densing III, mababasa sa website ng kagawaran ang mga sagot sa mga karaniwang katanungan at may video presentation din sa mga magiging hakbang.

Nabanggit ni Binay na marami pa ring magulang ang may mga pangamba ukol sa pagbabalik eskwelahan ng kanilang mga anak ngayon taon.

TAGS: Back to school, deped, Back to school, deped

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.