Phivolcs, nakapagtala ng 13 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal

By Angellic Jordan August 19, 2022 - 10:34 AM

Nakapagtala ang Phivolcs ng 13 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, kasama rito ang walong volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang walong minuto at mahinang background tremor.

Naitala rin ng ahensya ang 3,818 tonelada ng sulfur dioxide.

May ‘upwelling’ ng mainit na volcanic fuilds sa lawa ng main crater.

Nagkaroon din ng plume na may taas na 1,500 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastilla fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, o pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

TAGS: Bulkang Taal, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, taal, Bulkang Taal, InquirerNews, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, taal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.