Ayon sa Philippine National Police (PNP), naaresto ng mga miyembro ng Special Drug Enforcement Unit, Police Station 4-Quezon City Police District ang 42-anyos na drug suspect na si Fritz Reyes sa Novaliches noong Agosto 16.
Nakuha kay Reyes ang P680,000 halaga ng shabu.
Makaraan ang isang araw, isa pang nahuli naman ang 42-anyos na drug suspect na si Mark Angelo De Sagun sa Malasiqui, Pangasinan.
Nagkakahalaga ng P344,800 ang nakumpiskang ilegal na droga kay De Sagun.
Sa Zamboanga City, nakumpiska ang P340,000 halaga ng ilegal na droga sa tatlong drug suspect na sina Saudi Taring Sali, 46-anyos; Satra Aning Abdul, 40-anyos; at Aksa Taliblan Arabasa, 38-anyos.
“The relentless effort of our personnel is clearly depicted through their successful anti-illegal drug operations. All suspects will be facing charges against Republic Act 9165,” pahayag ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.