Sen. Imee Marcos, pinalulusaw ang dalawang ahensiya na binuo ng yumaong ama
Nais ni Senator Imee Marcos na lusawin na ang Procurement Service ng Department of Budget and Management, gayundin ang Philippine International Trading Corporation (PITC), na pinangangasiwaan naman ng Department of Trade and Industry (DTI).
Katuwiran ng senadora, pinaglumaan na ng panahon ang dalawang ahensiya na binuo pa ng kanyang ama, ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
“They have not only outlived their usefulness, they gave in fact become agencies of malfeasance and corruption,” pagdidiin pa ng senadora.
Kasabay nito, nagbilin si Marcos na mag-ingat ang gobyerno sa mga pagbili kaugnay sa anunsiyo ng kanyang kapatid, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na palalawigin ang umiiral na state of public health emergency dahil nagpapatuloy pa ang pandemya.
Sa kanyang palagay, makakabuti kung direktang bibilhin na lamang ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.
“The series of procurement controversies that surfaced during the pandemic must end. In fact, COA has reported that they go back more than a decade.
Naniniwala rin ito na sa ganitong paraan, makakatipid ng bilyun-bilyong piso ang gobyerno sa pambansang pondo sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.