Ilang bahagi ng Ninoy Aquino Avenue malapit sa Imelda Bridge sa Parañaque City, pansamantalang isasara

Pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino Avenue malapit sa Imelda Bridge sa Parañaque City.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), layon nitong bigyang-daan ang konstruksyon ng Ninoy Aquino Station ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Isasara ang ilang kalsada simula 6:00, Biyernes ng gabi (Agosto 19) hanggang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Agosto 22).

Pinayuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta:

NORTHBOUND
1. Kumanan sa Old Sucat Rd. (sa harap ng SM Sucat ) C5 Extension Rd. Multinational Ninoy Aquino Ave. (Duty Free)
2. Kumaliwa sa Kabihasnan (Victor Medina St.) Quirino Ave. o Cavitex Coastal Rd.

SOUTHBOUND
1. Kumaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. AMVEL Ninoy Aquino Ave. (Airforce One/PCP Station 3) o kumaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. Old Sucat Rd. exit (Head Quarters/Brgy. San Dionisio Hall) U-turn at Palanyag
2. Quirino Ave. Kabihasnan (Victor Medina St.) Ninoy Aquino Ave.

Read more...