Higit 100 ruta ng bus, jeep at UV Express binuksan muli ng LTFRB

DOTr photo

Kasabay nang pagsisimula muli ng mga klase sa darating na Lunes, Agosto 22 binuksan na muli ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang higit 100 ruta ng mga bus, jeep at UV Express.

Base sa inilabas na memorandum circular ng LTFRB, 33 non-EDSA bus routes sa Metro Manila at kalapit lalawigan – Bulacan, Laguna, at Cavite, ang bubuksan para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Sa hiwalay na memorandum circular, 68 ruta ng jeepneys at 32 sa UV Express ang binuksan sa Metro Manila.

Sa araw ng Huwebes, Agosto 18, maari nang mag-apply sa LTFRB para sa special permit ang bus operators.

Posibleng magbukas pa ng mga karagdagang ruta at magpadagdag ng units ang LTFRB depende sa bilang ng mga pasahero.

Read more...