San Miguel kinuryente ang Meralco, 100 – 89

By Jan Escosio August 17, 2022 - 09:08 PM

Sinigurado ng San Miguel Beermen na hindi na mauulit ang nangyari sa kanila noong Game 6 para pataubin sa knock-out match ng kanilang semi-finals series sa PBA Philippine Cup ang Meralco Bolts sa Smart – Araneta Coliseum.

Sa simula pa lamang ng laro, naging masigasig na ang San Miguel hanggang sa pagtatapos para maitakas ang panalo sa iskor na 100 – 89.

Naging dominante si June Mar Fajardo na binanderahan ang Beermen sa kanyang 29 puntos, bukod sa hinugot na 14 rebounds.

Naging katambal niya sina CJ Perez at Marcio Lassiter na nag-ambag ng 18 at 16 puntos, gayundin sina Jericho Cruz at Vic Manuel na tumikada ng 13 at 12 puntos.

Ilang beses na nagtangkang lumapit ang Bolts sa pamamagitan nina Cliff Hodge, Aaron Black, Raymond Almazan at Rey Hugnatan, ngunit palaging may sagot sa kanila ang Beermen.

Sa ika-anim na pagkakataon ay maghaharap ang Beermen at TnT Tropang Giga sa title playoff at ang unang laro ng final series ay sa darating na Linggo.

TAGS: meralco, PBA, San Miguel, meralco, PBA, San Miguel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]