Pangulong Marcos, nakikipag-negosasyon sa mga trader ng asukal
Nakikipag-negosasyon na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa traders ng asukal sa bansa.
Ito ay para maibaba ang presyo ng asukal.
Sa ambush interview sa PinasLakas Vaccination Program sa SM Manila, sinabi ng Pangulo na kung maari ay hindi na kailangang mag-angkat ng asukal.
“That’s exactly what we’re negotiating now with the traders. Ang tinitingnan natin ay kung ano ‘yung mga in-country na, nandito na na hindi na kailangan mag-import,” pahayag ng Pangulo.
Target ng Pangulo na maibaba ang presyo ng asukal sa P70 hanggang P80 kada kilo.
“Pero hindi talaga – magkakakulang ‘yan so later on this year… That’s what we are negotiating with the traders now. Hihingin natin… They were – they first offered at 80 pesos so sabi ko, “Hingiin ko na ‘yung 70 pesos, tulungan niyo na lang kasi kawawa naman ang tao.” And we’re getting there,” pahayag ng Pangulo.
Sa kasalukuyan, nasa P100 ang presyo ng asukal kada kilo sa merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.