CHR binuweltahan ng human rights group kaugnay sa Kidapawan incident

By Jan Escosio June 02, 2016 - 04:02 PM

kidapawan-dispersal2
Inquirer file photo

Dumipensa ang grupong Karapatan sa resulta ng pag- iimbestiga ng Commission on Human Rights sa madugong Kidapawan incident.

Sinabi ni Karapatan Secretary-General Cristina Palabay, na binigyan katuwiran lang ng CHR ang paggamit ng sobrang puwersa ng mga pulis sa mga nagpo-protestang magsasaka.

Iginiit din ni Palabay na hindi nilinlang ng Kilusang Magbubukid ng P ilipinas (KMP) ang mga magsasaka sa pag-organisa ng kilos-protesta kaugnay sa hindi pagbibigay ng sapat na tulong ng pamahalaan sa mga lubhang naapektuhan ng tag tuyot.

Dagdag pa nito, dumipensa lang naman ang mga magsasaka sa marahas na pagbuwag sa kanilang hanay.

Kahapon sa resulta ng CHR probe ay kanilang sinisi ang KMP dahil sa paglalagay sa mga nagugutom na magsasaka sa alanganin sitwasyon.

Magugunitang dalawang magsasaka ang namatay samantalang marami ang sugatan pati sa hanap ng mga pulis nang maganap kamakailan ang kaguluhan sa Kidapawan City sa North Cotabato.

TAGS: CHR, kidapawan, kmp, CHR, kidapawan, kmp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.