WATCH: PBBM, Cong. Sandro nagpaturok ng COVID-19 booster shot
Nagpabakuna na ng ikalawang booster shot kontra COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa SM City Manila.
Mismong si Health Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nagturok ng bakuna.
Nabatid na Pfizer ang brand ng bakuna na ginamit sa Pangulo.
Ito na ang ikalawang booster shot ng Pangulo matapos ang apat na buwan na unang booster shot.
Kasama ng Pangulo na nagpa-booster shot ang anak na si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.
Si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan naman ang nagturok kay Congressman Marcos.
Pfizer din ang brand ng bakuna.
Utos ng Pangulo sa DOH, maabot ang target na 90-percent coverage ng primary dose vaccination para sa mga senior citizen at 50 porsyento naman sa general public.
Ayon sa Pangulo, kaya siya nagpaababakuna para ipakita sa taong bayan na ligtas ang bakuna at ang kahalagahan ng booster shot para dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.
Narito naman ang pahayag ni Cong. Sandro:
WATCH: Matapos magpaturok ng COVID-19 booster shot, hinikayat ni Ilocos Norte Rep. @sandromarcos7 ang publiko na tumanggap na rin nito upang magkaroon ng dagdag-proteksyon laban sa nakahahawang sakit. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/tXocpIbyA8
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 17, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.