Karagdagang P5B gagastusin sa Barangay, SK elections postponement

Nagpapatuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Disyembre.

Ito ang ibinahagi ni Comelec Chairman George Garcia sa organizational meeting ng Senate Committee on Local Government na pinamumunuan ni Sen. JV Ejercito.

Ayon pa kay Garcia matuloy man o maipagpaliban ang eleksyon sa Disyembre, ipagpapatuloy ang voter registration sa Oktubre at ang mga magpaparehistro ay madadagdag sa mga maaring bumoto sa Barangay at SK elections.

Inaasahan aniya nila na higit 29 milyon ang madagdagan sa listahan ng mga rehistradong botante sa bansa.

Sinabi pa ni Garcia na napaglaananan na ng P8.499 bilyon ang papalapit na eleksyon at maaring mangailangan sila ng karagdagang P5 bilyon kapag naipagpaliban ang eleksyon.

May panukala sina Sens. Francis Escudero at Jinggoy Estrada na ipagpaliban ang Barangay at SK elections.

Read more...