Lalaki naputol ang paa sa pagtalon sa riles ng LRT-1

By Jan Escosio August 17, 2022 - 12:36 PM

LRMC PHOTO

Sugatan ang isang 31-anyos na lalaki nang dalhin sa ospital matapos diumanong magpakasagasa sa isang tren ng LRT 1 sa Monumento Station sa Caloocan City.

Base sa paunang impormasyon mula sa lokal na pulisya, alas-4:45 kaninang madaling araw nang biglang tumalon sa riles si Georick John San Juan, ng Bulacan.

Itinaon niya ang pagtalon sa pagdating ng tren na patungo sa direksyon ng Balintawak.

Nabatid na naputol ang kanang paa ni San Juan dahil sa pangyayari at patuloy siyang ginagamot sa Philippine General Hospital.

Bunga ng insidente, pansamantalang naputol ang biyahe ng LRT – 1 at nalimitahan sa Baclaran – Blumentritt at pabalik.

TAGS: commuter, lrt 1, commuter, lrt 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.