Sen. Pia Cayetano inihirit ang tax-free importations ng medical equipment
Hiniling ni Senator Pia Cayetano sa Department of Finance (DOF) na pag-aralan at ikunsidera na ilibre na sa mga buwis ang imported medical equipment.
Binanggit ito ni Cayetano sa organizational meeting ng Senate Committee on Ways and Means, na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian.
“Would the department be at least willing to consider limited time for a tax-free, duty-free, VAT-free importation of medical equipment? Because we cannot put up these specialty hospitals without these specialty equipment,” banggit ni Cayetano.
Sinabi nito na sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., nais nito na magkaroon ng specialty hospitals sa maraming rehiyon sa bansa.
Nangako naman si Finance Sec. Benjamin Diokno na pag-aaralan nito ang nais ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.