Nagtakda ng briefing ang House Committee on Legislative Franchises bandang 2:00, Huwebes ng hapon (Agosto 18).
Base sa impormasyon mula sa website ng House of Representatives ang briefing ay magiging kombinasyon ng ‘in-person’ at ‘virtual.’
Bago pa ito, kinuwestiyon ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta ang pagpayag ng TV5 na papasukin sa kanila ang ABS-CBN.
Sa kanyang privilege speech, ibinahagi ni Marcoleta na base sa prangkisa na ibinigay sa TV5, hindi ito maaring pumasok sa isang ‘merger’ sa ibang kompaniya na hindi aprubado ng Kongreso.
Unang ibinenta ng TV5 sa ABS-CBN ang 35 porsiyento ng kanilang ‘shares’ sa halagang P2.16 bilyon.
Kabilang si Marcoleta sa mga hayagang tumanggi na mapalawig ang prangkisa ng ABS-CBN, na humantong sa pagkawala ng libo-libong trabaho.