Pilipinas, hindi matutulad sa Sri Lanka – DOF chief

By Jan Escosio August 16, 2022 - 11:19 PM

Senate PRIB photo

Kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi sasapitin ng Pilipinas ang nangyari sa Sri Lanka na lubog sa utang.

Ginawa ito ni Diokno sa organizational meeting ng Senate Committee on Ways and Means, na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Hiningian ng reaksyon ni Sen. Sonny Angara si Diokno ukol sa mga pangambang matulad ang Pilipinas sa Sri Lanka, na lubog sa malaking pagkakautang.

Paliwanag ng kalihim, maingat ang Pilipinas sa pangungutang kaya’t hindi guguho ang ekonomiya gaya nang sinapit ng Sri Lanka.

Dagdag pa niya, karamihan sa mga utang ng Pilipinas ay ‘long term’ at nasa ‘manageable level.’

Binanggit din ni Diokno na ang naging diskarte ni dating Finance Sec. Carlos Dominguez III na makautang sa ibang bansa sa pinakamababang interes at palakasin ang revenue collection system para mapangasiwaan nang maayos ang mga utang ng Pilipinas.

TAGS: benjamin diokno, BUsiness, DOF, finance, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Sri Lanka, benjamin diokno, BUsiness, DOF, finance, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Sri Lanka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.