Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang apat na malalaking transport groups laban sa Land Transportation Office (LTO) at limang lokal na pamahalaan sa Metro Manila kaugnay sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sinabi ni Supreme Court spokesman Brian Hosaka na ang isinampa noon pang Agosto 3 ay Petition for Certiorari kasama ang aplikasyon para sa Temporary Restraining Order (TRO).
Nabatid na ang mga nagsampa ng petisyon ay ang Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Asso. of the Phils.
Samantala, bukod sa LTO, ang petisyon ay para rin sa mga pamahalaang-lungsod ng Maynila, Pasay, Valenzuela, Muntinlupa at Parañaque.
Kinuwestiyon ng transport groups ang ilang lokal na ordinansa kaugnay sa naturang inirereklamong polisiya.
Una nang hiniling ng LTO ang pagsuspinde sa polisiya bunsod ng mga reklamo ng transport operators.