NUP congressmen naghayag na ng suporta sa PDP-Laban

By Isa Avendaño-Umali June 02, 2016 - 03:09 PM

NUP
Inquirer file photo

Sumama na rin ang National Unity Party o NUP sa mga partido politikal na sumusuporta sa incoming administration party na PDP-Laban.

Sa naganap na signing of agreement sa isang hotel sa Makati, lumagda sa kasunduan ang mga opisyal at miyembro ng NUP at PDP-Laban.

Sa panig ng NUP, pinangunahan ito ng kanilang Chairman na si outgoing House Deputy Speaker Robie Puno, habang para sa PDP-Laban, present si prospective House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, inihahayag ng NUP ang kanilang buong suporta sa mga legislative agenda na isusulong ng Duterte administration sa 17th Congress.

Kaugnay nito, isang resolusyon ang ipinasa ng NUP na humihirang kay Alvarez bilang kanilang chairman emeritus na malugod na tinanggap ng prospective House Speaker.

Nagpasalamat naman si Alvarez na naselyuhan na ang suporta at bahagi na ang NUP sa tinatawag na coalition for change.

Ang NUP ay ang ikatlo sa may pinakamalaking partido sa Kongreso, na may 32 members.

TAGS: Alvarez, nup, PDP Laban, puno, Alvarez, nup, PDP Laban, puno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.