DepEd, puspusan sa pagtatayo ng temporary learning spaces sa Northern Luzon

By Chona Yu August 16, 2022 - 06:11 PM

Screengrab from DepEd FB livestream

Puspusan ang pagpapatayo ng temporary learning spaces ng Department of Education (DepEd) sa mga eskwelahang nasira ng magnitude 7 na lindol sa Abra at iba pang lugar sa Northern Luzon.

Ayon kay Education spokesman Michael Poa, nakapag-download na ang DepEd ng pondo para sa temporary learning spaces.

Nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa local government units para matukoy kung mayroong mga lugar, gaya ng covered courts, na maaring gawing temporary learning spaces.

Magpapatupad din aniya ang DepEd ng alternative delivery modes kung saan ang mga estudyante sa mga lugar na sira pa ang eskwelahan ay maaring magkaroon ng modular studies.

Patuloy din ang paghikayat ng DepEd sa mga estudyante na magpabakuna kontra COVID-19 para maging ligtas ang pagbabalik eskwela.

Ayon kay Poa, maaring ma-excuse sa klase ang mga estudyanteng magkakaroon ng sintomas matapos ang pagpapabakuna.

TAGS: Abra, deped, InquirerNews, lindol, Michael Poa, RadyoInquirerNews, Abra, deped, InquirerNews, lindol, Michael Poa, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.