Umabot na sa mahigit 21 milyong estudyante ang nagpa-enroll para sa School Year 2022-2023.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Education spokesman Michael Poa na sa naturang bilang, nasa 18.7 milyon ang mga estudyante sa pampublikong paaralan, habang nasa 2.4 milyon ang nasa pribadong eskwelahan.
Pinakamataas aniya ang Region 4-A na mayroong mahigit tatlong milyong estudyante habang nasa 2.3 milyon naman ang nasa Region 3 at 2.2 milyon sa Metro Manila.
Ayon kay Poa, sa Agosto 22 na magsisimula ang klase.
Sa ngayon aniya, hindi napag-uusapan sa DepEd ang extension o pag-urong sa petsa ng pagbubukas ng klase.
MOST READ
LATEST STORIES