Nakumpiskang smuggled cigarettes sa Port of Subic umabot sa P253-M

Sa loob ng dalawang buwan, umabot sa P253 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang smuggled cigarettes ng Bureau of Customs – Port of Subic.

Noong Hunyo, nakumpiska ang 972 master cases ng sigarilyo para sa Thousand Sunny at ito ay may halagang P40.09 milyon, samantalang P41.3 milyon halaga naman ng sigarilyo na para sa Russhi Knish Consumer ang nasabat.

Sinundan dito nang pagkumpiska ng P42.2 milyon ng 1,000 master cases na para muli sa Thousand Sunny.

Sa sumunod na buwan, P84.9 milyon halaga naman ng ipinuslit na sigarilyo ang nakumpiska na para sa Proline Logistics Philippines Inc., na nakumpiskahan pa muli ng may P46.276 milyon halaga ng Marvels Filter Kings Cigarettes.

Ang mga sangkot ay mahaharap sa RA 10863, gayundin sa MC No. 03 ng National Tobacco Administration at Resolution ng Bureau of Internal Revenue.

Read more...