P1.4 bilyong pondo para sa libreng sakay, ini-release na ng DBM

By Chona Yu August 16, 2022 - 08:50 AM

DOTr photo

Inilabas na ng Department of Budget and Management ang P1.4 bilyon na dagdag na pondo para sa libreng sakay program o Service Contracting Program.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, aprubado na ang Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation para sa Libreng Sakay sa Edsa Busway ng hanggang Disyembre 31, 2022.

Makikinabang sa naturang programa ang mga estudyante at mga manggagawa.

“Ito pong paglagak natin ng additional funds ay suporta natin sa hangad ni President Marcos na i-extend and programang Libreng Sakay ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board hanggang Disyembre,” pahayag ni Pangandaman.

Matatandaang natapos na ang programang libreng sakay noong Hulyo 31, subalit pinalawig ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hanggang sa katapusan ng taon.

“Malaking tulong at ginhawa po ang Libreng Sakay sa bulsa ng mga commuter, lalo na para sa mga estudyante at mga kabilang sa labor force. This will support up to 50-million ridership from September 1 until December 31,” pahayag ng Budget Secretary.

Ayon kay Pangandaman, makikinabang sa programa ang 628 units ng onboarded Public Utility Buses (PUBs) sa EDSA Busway Route sa National Capital Region.

“Magiging malaking tulong po ito sa kabuhayan ng mga driver ng EDSA Busway na hanggang ngayon ay bumabangon mula sa epekto ng pandemya, at apektado sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina,” pahayag ni Pangandaman.

 

 

TAGS: Amenah Pangandaman, Budget, DBM, libreng sakay, pondo, Amenah Pangandaman, Budget, DBM, libreng sakay, pondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.