Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Matanao, Davao del Sur bandang 7:47, Lunes ng gabi (Agosto 15).
Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 3 kilometers Northeast ng naturang bayan.
May lalim na 36 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Kidapawan City, Cotabato; Tupi, Koronadal City, South Cotabato
Intensity 1 – Kiamba and Alabel, Sarangani; General Santos City, South Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat
Sinabi ng ahensya na ang naturang pagyanig ay aftershock ng tumamang magnitude 5.5 na lindol sa Davao del Sur sa kaparehong araw.
Tiniyak ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.