Mga enrollees para sa S.Y. 2022-2023, umabot na sa 20 milyon
Pitong araw bago ang pagsisimula ng klase, sumampa na sa mahigit 20 milyon ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022.
Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Lunes ng umaga (Agosto 15), nasa 20,628,682 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 18,147,254 mag-aaral ang naitala sa mga pampublikong paaralan, 2,411,042 sa mga pribadong paaralan, at 70,386 sa SUCs/LUCs.
Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 2,980,213 enrollees.
Sumunod dito ang Region 3 na may 2,312,174 enrollees, at National Capital Region na may 2,260,488 enrollees.
Patuloy ang paalala sa mga magulang at estudyante na sundin ang health and safety protocols sa pagpunta sa mga eskwelahan.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Lunes, Agosto 22. Mayroong tatlong pamamaraan sa pagpapatala; in-person, remote, at dropbox enrollment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.