Oil price rollback, ipatutupad sa Agosto 16

By Angellic Jordan August 15, 2022 - 07:31 PM
Radyo Inquirer On-Line photo

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Agosto 16.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Flying V, Petron, PetroGazz, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Seaoil, Shell, at Unioil, may bawas na P0.10 sa kada litro ng gasolina habang P1.05 naman ang kaltas sa bawat litro ng diesel.

Babawasan naman ng P0.45 ang kada litro ng kerosene ng Caltex, Flying V, Petron, Seaoil, at Shell.

Mauuna pa ring ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Agosto 16).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, diesel price, gasoline price, InquirerNews, kerosene price, oil, RadyoInquirerNews, BUsiness, diesel price, gasoline price, InquirerNews, kerosene price, oil, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]