LPA, Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 270 kilometers Kanluran ng Calayan, Cagayan.
Maliban sa LPA, nakakaapekto pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat sa maraming lalawigan sa Luzon.
Asahan aniya ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Northern Luzon area partikular sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, MIMAROPA, at CALABARZON dulot ng LPA at Habagat.
Sa nananatili namang parte ng bansa, maaring makaranas ng bahagyang maulap na papawirin, maliban sa mga panandaliang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.