Sen. Imee Marcos ibinunyag planong pag-import ng puting sibuyas

FILE PHOTO

Matapos mabunyag ang inaprubahang pag-aangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal, isinapubliko ni Senator Imee Marcos ang planong pag-importa ng puting sibuyas.

Kayat muling binatikos ni Marcos ang Department of Agriculture (DA) dahil sa una na niyang tinawag na sindikato sa kagawaran.

“Let this serve as a fair warning to all concerned. We are aware of the modus operandi going pn. It’s the same old story. Paulit-ulit na lang eh,” aniya.

Sinabi nito, ang modus ay lumikha ng kakulangan ng suplay at ito ay susundan naman pagpapalabas ng import permit.

Duda si Marcos  na may kakulangan ng suplay ng puting sibuyas sa bansa dahil walang ipinakitang ulat ng imbentaryo ang DA.

“Tama na, buking na. Hindi na kami magpapaloko!” diin ng senadora.

Read more...