Sen. Imee Marcos ibinunyag planong pag-import ng puting sibuyas
Matapos mabunyag ang inaprubahang pag-aangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal, isinapubliko ni Senator Imee Marcos ang planong pag-importa ng puting sibuyas.
Kayat muling binatikos ni Marcos ang Department of Agriculture (DA) dahil sa una na niyang tinawag na sindikato sa kagawaran.
“Let this serve as a fair warning to all concerned. We are aware of the modus operandi going pn. It’s the same old story. Paulit-ulit na lang eh,” aniya.
Sinabi nito, ang modus ay lumikha ng kakulangan ng suplay at ito ay susundan naman pagpapalabas ng import permit.
Duda si Marcos na may kakulangan ng suplay ng puting sibuyas sa bansa dahil walang ipinakitang ulat ng imbentaryo ang DA.
“Tama na, buking na. Hindi na kami magpapaloko!” diin ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.