Bumuo na ng task force ang lokal na pamahalaan ng Makati City para maagapan ang pagkalat ng monkeypox.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, sa ngayon, wala namang naitatalang kaso ng monkeypox sa lungsod.
“We formed a task force last August 3 to proactively prevent monkeypox transmission in Makati. At the same time, we want to equip Makatizens with the right information about the virus and avoid the spread of fake news,” pahayag ni Binay.
Nagsagawa na aniya ng online orientations at seminars ang Makati City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga frontliners at 26 barangay health centers para malaman ang transmission, prevention, detection, isolation, at treatment ng monkeypox.
Mahigpit din aniyang nakikipag-ugnayan ngayon ang CESU sa Ospital ng Makati, Makati Medical Center at St. Clare’s Medical Center para ilatag ang action plan sakaling magkaaroon ng monkeypox outbreak.
“We also plan to integrate monkeypox data into our COVID-19 tracker so that we can use data in making game-changing decisions like granular lockdowns to prevent community transmission,” pahayag ni Binay.
Ayon kay Binay, bibigyan ng libreng gamot atfood packs ang mga Yellow Card holders na tatamaan ng monkeypox virus.
Hinihimok ni Binay ang publiko na agad na itawag sa CESU hotlines na (02) 8870-1445, (02) 8870-1446, 09270727794, 09280492927, at 09396756390 sakaling may mamonitor na posibleng positibo sa monkeypox.