Pangulong Marcos masama ang loob sa sugar mess

By Chona Yu August 13, 2022 - 01:07 PM

 

Masama ang loob ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kontrobersiya sa Sugar Regulatory Board.

Ito ay matapos ang pag-apruba ni dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian sa pag-angkat ng 300,000 metrikong tonelad ng asukal nang walang pahintulot mula sa Pangulo.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, mistula kasing iniligaw ni Sebastian ang Pangulo.

Sa ngayon, hindi pa mabatid ni Angeles kung tinanggap na ng Pangulo ang pagbibitiw ni Sebastian.

Si Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Attorney Richard Palpalatoc ang nangunguna sa imbestigasyon kay Sebastian.

Hindi rin matukoy ni Angeles kung ano ang kapalaran ng iba pang opisyal na dawit sa pag-aangkat ng asukal.

Bukod kasi kay Sebastian, lumagda rin sa Sugar Order Number 4 si Sugar Regulatory Administration Administrator Hermenegildo Serafica.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Leocadio Sebastian, news, Radyo Inquirer, trixie angeles, Ferdinand Marcos Jr., Leocadio Sebastian, news, Radyo Inquirer, trixie angeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.