Higit 72 milyong Filipino, fully vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 72 milyon ang bilang ng mga Filipino na nakakuha ng una at ikalawang shot ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa COVID-19 media forum, sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na base ito sa naitalang datos hanggang sa araw ng Huwebes, Agosto 11.
Ani Vergeire, halos 6.8 milyong senior citizen ang fully-vaccinated na sa naturang sakit.
Kasabay ng nalalapit na pagbabalik ng klase, iniulat ni Vergeire na halos 9.8 milyong kabataan at humigit-kumulang 4.3 milyong bata ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ng DOH official na mahigit 16.8 milyong indibiduwal ang naturukan na ng unang booster shot, habang halos 1.7 milyon naman ang mayroon nang ikalawang booster dose.
Hinikayat nito ang publiko na makiisa sa ‘PinasLakas’ vaccination drive ng pamahalaan upang maging COVID-free ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.