Bulkang Taal patuloy sa pagbuga ng volcanic gas

By Jan Escosio August 12, 2022 - 10:43 AM

 

Popular ngayon sa social media ang pagbuga ng malakas at mataas na usok ng Bulkang Taal bago maghatinggabi kagabi.

Sa inilabas na update ng Phivolcs ngayon umaga, sa nakalipas na 24 oras na monitoring, umabot sa 13,572 tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga ng Bulkang Taal.

Nakapagtala din ng limang volcanic tremor na tumagal ng tatlo hanggang walong minuto at mahinang background tremor.
Naitala naman ang temperatura sa bulkan na 66.5℃ gaya ng naitala noong nakaraang Abril 27.


Samantala, ang plume o steaming o ang malakas na pagsingaw, nasukat na umabot sa 2800 metrong taas at ito napadpad sa timog-kanluran, hilaga,hilagang-silangan at timog-silangan.

Naobserbahan din ang pamamaga ng TVI at Kanlurang Taal Caldera bukod sa
pag-impis ng Silangang Taal Caldera.

TAGS: news, Radyo Inquirer, taal, news, Radyo Inquirer, taal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.