Kaligtasan ng remittances ng OFWs ginarantiyahan ni Sen. Cynthia Villar

Naghain ng panukalang-batas si Senator Cynthia Villar para sa proteksyon ng remittance ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ang Senate Bill No. 1014 o ang Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act ay isa lamang sa hakbang ni Villar para sa proteksyon at kapakanan ng mga Filipino na nagta-trabaho sa ibang bansa, gayundin ng kanilang pamilya.

Pagkilala din aniya ito sa kontribusyon ng OFWs sa pambansang ekonomiya.

Dapat aniya protektahan ang pinaghirapan na pera ng OFWs laban sa mga mapang-abusong interes at bayad na sinisingil ng remittance centers.

“The state shall also provide them and their families adequate education and training on financial literacy, such as financial planning and planning of finances, or savings,” dagdag pa ni Villar.

Sa ganitong paraan matutulungan ang OFWs na magkaroon ng kabuhayan kahit tumigil na sila sa pagta-trabaho sa ibang bansa.

Sa US nagmumula ang pinakamalaking remittances sa Pilipinas, na 40 porsiyento, kasunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar at South Korea.

Read more...