Civil union ng same-sex couple itinutulak ni Sen. Robin Padilla

By Jan Escosio August 12, 2022 - 10:31 AM

 

Ibinase ni Senator Robin Padilla sa Saligang Batas ang isinusulong niyang karapatan sa same-sex couples para sa kanilang civil union.

Sinabi ni Padilla ginagarantiyahan sa Section 1 Article III sa Saligang Batas ang pantay na proteksyon sa karapatan ng lahat.

“This representation believes it is high time that the Philippines provides equal rights and recognition for couples of the same sex with no prejudice as to sexual relationships are protected and recognized and given access to basic social protection and security,” banggit ni Padilla sa inihain niyang Senate Bill 449.

Sinabi pa nito na hindi maapektuhan ang mga karapatan ng mga mag-asawa dahil ang hinihiling lamang niya ay pantay na karapatan at pribelihiyo para sa same-sex couple.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga papasok sa civil union ay 18 pataas ang edad at walang naunang civil union o kasal.

TAGS: news, Radyo Inquirer, Robin Padilla, news, Radyo Inquirer, Robin Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.