Sen. Imee Marcos prinotektahan si PBBM Jr., laban sa mga sindikato sa DA
Nais ni Senator Imee Marcos na malansag na ang sindikato sa Department of Agriculture (DA) matapos gamitin ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos Jr. sa pag-angkat dapat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.
Kasabay ito nang pagpuri sa kanyang kapatid sa pagbasura sa planong pag-aangkat ng asukal.
Inihirit din ng senadora na magkaroon ng balasahan sa hanay ng mga opisyal sa kagawaran para mabuwag na ang sindikato.
‘Wag ninyong niloloko ang adding (kapatid) ko!” banta ng senadora.
Sumirit sa higit P100 ang presyo ng kada kilo ng asukal dahil sa mga gumagawa ng mga produktong-asukal at nawalan ng suplay para sa mga konsyumer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.