Bilang ng mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2023-2023, higit 19-M na

By Angellic Jordan August 11, 2022 - 07:18 PM

Umabot na sa mahigit 19 na milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll sa unang araw ng School Year 2022-2023.

Sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Huwebes ng umaga (Agosto 11), nasa 19,263,425 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 simula noong Hulyo 25.

Sa nasabing bilang, 16,943,745 ang kabilang ng nakapag-enroll na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, 2,254,879 sa mga pribadong paaralan, habang 64,801 naman sa SUCs o LUCs.

Region IV-A pa rin ang may pinakamaraming naitalang enrollees na may 2,802,842, na sinusundan ng Region III (2,180,334), at National Capital Region (2,161,816).

Paalala ng DepEd, may tatlong paraan sa pagpapatalla: in-person, remote, at dropbox enrollment.

Para naman sa Alternative Learning System (ALS) learners, maaari na ring magpatala nang in-person o digital.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.

TAGS: 2022 enrollment, deped, enrollment, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SY 2022-2023, 2022 enrollment, deped, enrollment, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SY 2022-2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.