Alitan sa paradahan, tricycle driver patay

By Jan Escosio August 11, 2022 - 06:03 PM

CALAMBA CITY POLICE PHOTO

Namatay ang isang tricycle driver at isa pa ang nasugatan sa pagtatalo ukol sa paradahan sa Calamba City.

Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Jose Rizal Hospital ang 36-anyos na si Odonio Sario Jr., residente ng Barangay Canlubang sa lungsod, sanhi ng tama ng bala sa likod.

Samantala, nasugatan naman sap aa si Roberto Globo, 39, ng Barangay Lawa, sa nasabi din  lungsod.

Base sa paunang ulat, nagtalo sina Sario Jr., at ang itinuturong suspek na si Ronie Evasco, 34, ng Barangay 5, sa lungsod, ukol sa paradahan sa tapat ng tindahan ng mga prutas ng huli sa Barangay 1.

Sa pagtatalo ng dalawa, bumunot si Evasco ng baril at nagpaputok, ngunit tumama ang bala sa kaliwang paa ni Globo.

Tatlong beses na muling nagpaputok si Evasco at tinamaan na sa likod si Sario. Agad na tumakas ang itinuturong salarin.

TAGS: parking, shooting, parking, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.