Full number coding scheme ibabalik ng MMDA sa Lunes, Agosto 15

By Jan Escosio August 11, 2022 - 04:39 PM

Ganap nang ipapatupad muli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala sa tawag na ‘number coding scheme’ sa Lunes, Agosto 15.

Itinakda ang oras nang pagpapatupad nito ng 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Sa pahayag ng MMDA, nagdesisyon ang Metro Manila Council (MMC) na ibalik ang naturang ‘traffic reducing scheme’ dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng mga sasakyan sa pagsisimula muli ng mga klase sa Agosto 22.

Inaasahang mababawasan ang bilang ng mga sasakyan sa mga nabanggit na oras ng hanggang 20 porsiyento sa ‘peak hours’ sa umaga at hapon hanggang gabi.

Ayon pa sa MMDA, bago ang pandemya, may 405,000 sasakyan ang bumabagtas sa kahabaan ng EDSA at sa datos mula sa MMDA Traffic Engineering Center noong Agosto 4, may 387,000 sasakyan ang bumiyahe sa EDSA.

Inaasahan pa na lulubo ito sa 436,000 na mas mataas pa kumpara bago ang pandemya noong 2020.

Paliwanag naman ni MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga, mula Agosto 15 hanggang Agosto 17 ang ‘dry run’ at paaalahanan lamang nila ang mga motorista.

Magsisimula silang manghuli ng mga lalabag sa Agosto 18.

TAGS: mmda, number coding, mmda, number coding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.