Palasyo, ipinaubaya sa DOH kung palalawigin ang naunang deklarasyon ng state of calamity dahil sa COVID-19
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Department of Health (DOH) ang pagpapasya kung palalawigin pa ang naunang deklarasyon na state of calamity sa buong bansa dahil sa pandemya sa COVID-19.
Setyembre 2021 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa state of calamity.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, agad na iaanunsyo ng Palasyo kung anuman ang magiging desisyon ng kaslaukuyang administrasyon.
“It will depend on the recommendation of the DOH. But we will make the announcement when the time comes,” pahayag ni Angeles.
Base sa pinakahuling talaan ng DOH, pumalo sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa noong Miyerkules, Agosto 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.