Ph COVID 19 vaccination certificate kinikilala na sa Europe – DFA
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinikilala na ng mga gobyerno sa Europe ang VaxCertPH, ang vaccination certificate sa bansa.
Patunay ang VaxCertPH, na naturukan ng bakuna laban sa COVID 19 ang may hawak nito.
Kinikilala, ayon sa DFA, ng European Union Digital COVID 19 Certificate (EUDCC) ang vaccination certificate ng Pilipinas.
Gayundin ang vaccination certificate naman ng EUDCC ay tinatanggap at kinikilala na rin sa Pilipinas.
Bunga nito, napabilang na ang VaxCert PH sa mga may pinakamalawak na pagkilala sa buong mundo.
“This landmark accomplishment will ensure seamless, expedited, safe trave and mobility of Filipinos to and within European community and other jurisdictions that subscrine to the EUDCC standard, which is composed of 48 non-EU countries and territories,” sabi pa ng DFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.