Nakasaad sa resolusyon ang hiling ni Pimentel na ang Senate Blue Ribbon Committee ng manguna sa imbestigasyon kaugnay sa ‘overpriced and outdated laptops.’
Ang mga kontrobersyal na laptops ay binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).
Paliwanag ni Pimentel layon ng kanyang resolusyon na matukoy ang mga responsibilidad at malaman kung kailangan na may baguhin sa procurement laws at sa proseso ng pagbili ng mga kailangan ng mga ahensiya ng gobyerno.
Nabili ang laptops ng P58,300 base sa 2021 audit report ng Department of Education kayat nabawasan ang bilang ng mga guro na nabigyan para sana sa pagkasa ng ‘blended learning system.’
MOST READ
LATEST STORIES